Indarapatra at Sulayman (Isang Kwentong Epiko)
MGA PANGUNAHING TAUHAN
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Agad na sumunod si Sulayman.
Aniya kay Sulayman,
Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
Narito ang pagsasatula ng kwentong Indarapatra at Sulayman:
Epiko
Kahulugan ng Epiko
Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba't ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kuwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga panguhaing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa.
Ang Epiko ay galing sa salitang Griyego na 'epos' na ang kahulugan ay 'awit'. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga kanluraning epiko.
Katangian ng Epiko
Ang ilan sa mga katangian ng Epiko ay ang mga sumusunod:
- Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao.
- Mga inuulit na salita o parirala.
- Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta.
- Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, at iba pa.)
- Kadalasang umiikot sa bayani kasama ang kaniyang mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang paghahanap sa kaniyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag- aasawa.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO SA PILIPINAS
May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at mito. Ngunit wala pang puspusang pag-aaral tungkol sa mga epiko, ang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga epiko di lamang bilang panitikan: ang mga ito'y makabuluhang dokumento rin ng ating lipunan bago pa dumating ang pananampalatayang Muslim at Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin tungkol sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito, ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding sanggunian ng mga lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain.
May mga epikong walang tekstong orihinal, tulad ng Handiong ng Bikol, na bagamat siyang pinakaunang naitala (bago pa taong 1867), ay nakasulat naman sa Kastila. Gayundin, ang Darangen ng mga Maranao ay nasa sa Ingles, ang Indarapatra at Sulayman ng Maguindanao ay nasa sa Ingles, at ang bersyong ito'y pinag - aalinlangan pa ng kilalang iskolar na si E. Arsenio Manuel.
Mayroong pangkahalatang katangian ng bawat epiko:
Karamihan sa mga epiko ay may pamagat na nangangahulugan ng awit o himig o pag-aawit o pagsasahimig, tulad ng Hudhud ng mga Ifugao, Guman ng mga Suban-on, Darangen ng mga Magindanao at Maranao, Diawot ng mga Mansaka, Owaging, Ulaging, Ulahingon, Ulahingan, ng mga Manobo (ang huling apat ay iba- ibang anyo lamang ng iisang salita). Kung kaya nga't natitiyak natin na ang mga epiko'y sadyang inaawit at ang anyo nila ay umaayon sa panitikang pabigkas. Maraming mga elementong tulad ng indayog (cadence) at timbang (symmetry), paralelismo, aliterasyon, pag-uulit ng mga batayang salita, o mga tugma, na nakatutulong sa mang-aawit o manghihimig upang maalaala niya ang mga taludtod.
Reperensya:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-indarapatra-at-sulayman-epikong-mindanao_605.html
https://www.youtube.com/watch?v=rWRn4MhYnfI&t=234s
https://www.scribd.com/document/420711356/Kahulugan-Ng-Epiko
Comments
Post a Comment